Katanungan
bakit limitado ang karapatan ng kababaihan sa lipunan?
Sagot
Dahil ito sa patriyarkal na lipunan na kinagisnan noon ng mga tao. Dahil sa patriyarka, mas mataas lagi ang tingin sa mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan.
Sinasabi nila noon na dapat manatili lamang sa bahay ang mga babae. Na walang karapatan bumoto, o mag isip para sa sarili dahil mahina ito, o kaya lumahok sa pagawaan.
Mababa ang tingin nila sa mga kababaihan noon kaya limitado lamang ang kanilang karapatan. Kaya maganda na naitaguyod na ang mga karapatan ng mga kababaihan ngayon, ngunit mayroon pa rin hindi pagkakapantay-pantay at sinasalamin pa rin ang sinaunang kultura at patriyarkal na lipunan sa bansa.