Bakit mahalaga ang epiko sa isang bansa?

Katanungan Sagot

Katanungan

bakit mahalaga ang epiko sa isang bansa?

Sagot verified answer sagot

Bakit mahalaga ang epiko sa isang bansaMahalaga ang isang epiko sa isang bansa sapagkat maliban na ito ay kuwentong sumasalamin sa kanilang kultura at pagpapahalaga, ito rin ay mga kuwento at akdang pampanitikan na nakapagbibigay ng aral.

Ang mga epiko ay mga kathang isip man at nagaganap sa pagkakataong hindi makatotohanan, ito naman ay nakabatay sa kung anong tradisyon at kultura na pinaniniwalaan ng isang lugar.

Dahil sa mga epiko, mas madaling naipalalaganap ang kanilang pamumuhay at mga pagpapahalaga. Mas kawili-wili rin ang paraan ng pagpapakilala sa kanilang kultura.

Ang mga epiko rin ay mga salaysay na mayroong aral na maaaring magamit ng mambabasa sa kaniyang sariling pakikipagsapalaran sa buhay.