Bakit mahalaga ang pag bukas ng Suez Canal?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit mahalaga ang pag bukas ng Suez Canal? icompare ko lang yung sagot ko sainyo para makasure 😉

Sagot verified answer sagot

Bakit mahalaga ang pag bukas ng Suez CanalNaging mahalaga ang pagbubukas ng Suez Canal lalo na sa mga Pilipino noong 1869 dahil ito ang naging daan upang mas mapabilis ang pagpasok sa bansa ng mga produkto, maging ng mga kaisipang liberal gaya ng pagkakapantay-pantay, pagkakaroon ng kalayaan, at pagbubukas ng posibilidad ng oportunidad sa mga mahihirap.

Ito rin ang nagpalakas sa loob ng mga Pilipino na buksan ang kanilang kaisipan at damdamin na magkaroon at ipaglaban ang kanilang kalayaan.

Ito rin ang sinasabing naging daluyan ng maraming Pilipino tungo sa nasyonalismo kahit pa mayroong sumasakop sa kanilang bansa. Ang pagkauhaw nila sa kalayaan ay naging unang hakbang para makamit ang inaasam na kalayaan.