Katanungan
bakit nagkaroon ng ibayong kapangyarihan ang mga prayle sa panahon ng kolonyalismo?
Sagot
Dahil ang ginamit noong nanakop ang mga Espanyol ay Kristyanismo, at ang mga Prayle ay malapit sa Diyos kaya lagi silang sinusunod ng mga tao.
Kung sinuway ang mga utos ng Prayle ay ituturing kang kaaway ng Diyos o masamang tao dahil parang sinuway mo na rin ang salita ng Diyos.
Dahil sa kapangyarihan na iyon ay inabuso ito ng mga Prayle at sinamantala nila ang mga Pilipino at ang Kristyanismo.
Sinasabi rin noon para hindi sumuway ang mga Pilipino sa mga mahihirap na utos ay may pwesto naman sila sa langit kaya ayos lang na naghihirap sila rito sa mundo.