Katanungan
bakit sinasabing ang buhay ng tao ay higit na sagrado kaysa sa iba pang uri ng buhay?
Sagot
Kung ikaw ay may pananampalatayang sinusundan, mapa-Kristiyanismo man o iba pa, maaaring nabasa mo na sa Bibliya o kung ano man ang Banal na Aklat sa iyong relihiyon na itinuturing ang mga tao bilang pinaka-sagradong buhay sa mundong ito.
Ito rin ay isang teorya sa Agham. Sinasabing higit na mas sagrado ang buhay ng tao kaysa sa iba pang uri ng buhay tulad ng halaman at hayop dahil ang tao lamang ang may pag-iisip.
Tao lamang ang may kakayahang gumawa ng mga desisyon gamit ang kanyang isipan. Tao lang rin ang mas maraming karapatang tinatamasa at may mas malawak na kalayaan.