Bakit tinutulan ng mga ilang katutubo ang Kristiyanismo?

Katanungan Sagot

3

Katanungan

bakit tinutulan ng mga ilang katutubo ang kristiyanismo?

Sagot verified answer sagot

Tinutulan ng mga katutubo ang kristiyanismo sapagkat malalim ang kanilang paniniwala at pananampalataya sa relihiyong kanilang kinabibilangan.

Ang pagpasok ng mga mananakop na Espanyol sa bansang Pilipinas ay ang pagsilang sa bagong paniniwala na nais ipakalat sa mga katutubong Pilipino.

Ang pagdating ni Magellan sa Pilipinas ay ang pagdating din ng kristiyanismo sa bansa na nagturo sa mga Pilipino ng paraan ng pagdarasal, pagsisimba, at pagbabasa ng bibliya.

Subalit, hindi lahat ng mga Pilipino ay nahikayat ng mga ito sapagkat ang mga Muslim ay may malalim na pananampalataya sa kanilang relihiyon.

Ang iba namang pangkat gaya ng ifugao at Ita ay hindi nahikayat sapagkat ang kinaroroonan ng kanilang tribo ay malayo sa sibilisasyon.