Balangkas kaalaman ng globalisasyon?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

balangkas kaalaman ng globalisasyon?

Sagot verified answer sagot

Ang pagpapakahulugan o pang-unawa sa kaalamang nakapaloob sa globalisasyon ay nahahati sa dalawa.

Una, ang globalisasyon ay nakatuon sa pag-unlad sa usaping pang-ekonomiya na naglalayong mapaunlad ang aspetong ito sa pamamagitan ng kalakalang pandaigdigan upang magkaron ng bukas na oportunidad para sa mga mamumuhunan at mga indibidwal na nangangailang ng hanapbuhay.

Sa kabilang banda, ang globalisasyon ay maiuugnay din sa usaping politikal at socio-economic na nagbibigay daan upang mapabilis ang pag-unlad sa larangan ng komunikasyon at transportasyon sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya partikular na ng paggamit ng computer, internet, cellphone, at iba pang mga bagay na gawa sa teknolohiya na maaaring magamit sa pakikipagtalastasan.