Florante At Laura Buod (300 Words)

Ang Florante at Laura ay taliwas sa naging karansasan sa pag-ibig ni Francisco Baltasar. Binigyan niya ng mas magandang at mas makulay na kahulugan at kahalagahan ang salitang pag-ibig sa kuwentong ito.

Related: Mahabang Buod (600 words)

Si Florante ay anak ni Prinsesa Floresca at ang taga-pagpayo ng mga maharlika na si Duke Briseo. Sa murang edad ay ipinadala siya ng kanyang mga magulang sa Atenas, Gresya upang doon ay mag-aral at makapagsanay ng pakikidigma.

Dito niya nakilala si Adolfo na isa ring taga Albanya. Si Adolfo ang itinuturing na pinkamagaling sa kanilang paaralan. Ngunit ito ay nagbago nang dumating si Florante na siyang nakaagaw sa titulong “pinakamatalinong mag-aaral” sa kanilang bayan.

Dito nag-umpisa ang tunggalian nina Adolfo at Florante. Isang hidwaan na nagpatuloy hanggang sa kanilang pagbabalik sa Albanya. Sa kanyang pag-uwi ay naimbitahan si Florante sa bahay ng hari ng Albanya at doon niya nakilala si Laura, ang dalagang anak ni Haring Linceo.

Naging kilala si Florante bilang isang magiting at matapang na mandirigma. Pinangunahan niya ang Krotona upang maitaboy ang puwersa ng mga mandirigmang Persiya. Nailigtas din niya sina Duke Briseo, Adolfo, Haring Linceo at Laura sa kamay ni Emir. Dahil sa kanyang ipinamalas na katapangan siya ay itinalaga na taga-pagtanggol ng Albanya.

Sa gitna digmaan ng Turkiya iniwan ni Florante ang kanyang mga kawal dahil sa liham na nanggaling sa kanyang ama. Dahil dito, nagapi ang kanyang mga mandirigma. Ikinulong si Florante at itinapon sa gubat bilang kaparusahan sa kanyang nagawang pagkakasala sa kaharian.

Mula sa kanyang pananatili sa gubat ng anim na taon ay nakilala niya si Aladin.Iniligtas niya si Florante sa bangis ng dalawang liyon sa gubat. Tinulungan at inalagaan niya ito hanggang sa lumakas ang kanyang pangangatawan.

Nagpatuloy sa paglalakbay ang dalawa hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli nilang nakita pareho ang kanilang mga iniirog, sina Laura at Flerida. Dahil dito ay nagkanya-kanya na sila ng landas at muling bumalik sa kanilang mga kaharian at namuhay ng payapa at masaya.