Katanungan
ginagamit ba upang ipahayag ang mensahe ang hindi ginagamitan ng salita o titik?
Sagot
Ang uri ng komunikasyon na ginagamit upang ipahayag ang mensahe ng hindi ginagamitan ng salita o titik ay kinikilala bilang Di-Verbal na komunikasyon.
Mayroon iba’t-ibang uri ng di-verbal na komunikasyon. Isa na rito ang pag-aaral ng kilos at galaw ngisang indibidwal, tulad ng ekspresiyon sa mukha at tidig o postura, na tinatawag bilang kinesika.
Ang isa pang uri ay ang proksemika, kung saan ang pokus naman nito ay ang kultura at oras na ginagalawan ng isang lipunan.
Mayroon ding uri ng di-verbal na komunikasyon na tinatawag na haptics o pandama kung saan ang pagyakap at iba pang katulad nito na nagpapakita ng emosyon ang tinutukoy.