Katanungan
Ilan ang kulay ng watawat ng bansang Thailand?
Sagot
Ang kulay ng watwat ng karatig bansa nating Thailand ay binubuo ng tatlong kulay. Ang mga kulay na ito ay pula, puti, at asul.
Ang kanilang watawat ay may limang pahalang na linya. Ang pinakaunang linya ay kulay pula, sinundan ng puti, tapos ay asul (na siyang pinakamalaking bahagi ng watawat), puti ulit, at sa pinakailalim ay pula rin.
Ang tawag ng ibang mga mamamayang Thai sa kanilang watawat minsan ay Tri-Rong flag dahil sa tatlo lamang ang kulay nito.
Maraming pinagdaanan ang watawat ng Thailand bago itong tatlong kulay ang naging opisyal. Dati ay purong pulo lamang ang kulay ng kanilang watawat.
Facts Tungkol sa Thailand
Ang Thailand ay isang kahanga-hangang bansa na mayaman sa kultura at kasaysayan. Narito ang ilang interesting facts tungkol dito:
1. Land of Smiles: Kilala ang Thailand bilang “Land of Smiles” dahil sa pagiging magiliw at mapagbigay ng mga tao dito.
2. Mga Elepante: Ang elepante ay pambansang hayop ng Thailand. Maraming elepante dito at itinuturing silang sagrado.
3. Siamese Cats: Ang Siamese Cat ay galing sa Thailand, at ito ay itinuturing na swerte.
4. Water Festival: Ang Songkran o Water Festival ay pinakamalaking selebrasyon dito, kung saan nagbabatuhan ang mga tao ng tubig para ipagdiwang ang Bagong Taon ayon sa lunar calendar.
5. Street Food: Kilala ang Thailand sa masasarap na street food tulad ng Pad Thai at Som Tam.
6. Mga Templo: Mayroong higit sa 35,000 mga templo sa Thailand, at ang ilan sa mga ito ay may mahabang kasaysayan at kahanga-hangang arkitektura.