Ipaliwanag ang epekto o bunga ng unang digmaang pandaigdig

Katanungan Sagot

Katanungan

Ipaliwanag ang epekto o bunga ng unang digmaang pandaigdig.

Sagot verified answer sagot

Kapag mayroong digmaan, siguradong maraming masamang epekto ito sa kabuhayan ng mga mamamayan at ekonomiya ng isang bansa. Halos ganito rin ang naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig.

Dahil malawak ang naging saklaw ng digmaan, maraming mga gusali, lugar, base, at iba pang mahalagang aspekto ang nawasak kaya naman malaking halaga rin ang ginugol ng mga bansa upang isaayos muli ang mga ito.

Isa pa sa mga napinsala ng Digmaan ay ang buhay ng mga sibilyan, militar, at iba pa. Marami ang nasawi, nawala, at nasugatan ng digmaan na naging pinakamalaki at pinakamasakit na epekto ng digmaan.

Ang mga ito ang dahilan kung bakit hindi naging madali ang pagbangon mula sa nangyaring bakbakan ng iba’t ibang puwersa ng bansa.