Ipinalaganap nito ang kultura ng bawat pangkat

Katanungan Sagot

Katanungan

Ipinalaganap nito ang kultura ng bawat pangkat

Sagot verified answer sagot

Ipinalaganap nito ang kultura ng bawat pangkatSinasabing ang wika ang nagpapalaganap ng kultura ng bawat pangkat. Hindi lamang mabisang daan ng komunikasyon ang wika kung hindi ito na rin ang nagpapakalat at nagpapalaganap ng kultura ng mga pangkat-etniko sa bansa.

Lalo na noong unang panahon, ang wika ay ang inaasahang tagapagsalin ng kanilang panitikan at kultura. Kasama rin nito ang pagtuturo sa mga nakababatang bahagi ng kanilang pangkat o tribo ng mahahalagang paniniwala at pagpapahalaga ng kanilang magagamit sa hinaharap.

Kung wala ang wika, hindi matagumpay na ang maisasalin o maipapasa ang kultura sa mga bagong henerasyon. Hindi ito maipalalaganap at maaaring mamatay ito kung hindi dahil sa wika.