Isang uri ng dula na may kantahan at sayawan?

Katanungan

isang uri ng dula na may kantahan at sayawan?

Sagot verified answer sagot

Sarswela o Zarzuela ang isang uri ng dula na may kantahan at sayawan. Ito ay naglalaman ng lathalain na may isa o hanggang limang kabanata.

Ang karaniwang ipinapakita ng sarswela ay ang kalagayan at sitwasyon ng mga Pilipino, partikular na tungkol sa romansa at sa iba pang mga kontemporaryong isyu.

Ang sarswela ay isa sa mga ibinahaging impluwensiya sa ating kultura ng mga Espanyol noong panahon ng kanilang pananakop.

Masasabing ang sarswela ay realistikong sumasalamin sa mga pangyayari sa ating lipunan. Ang tanging pagkakaiba lamang ay inaawit ang mga linya rito na minsan ay may halo ring pagsasayaw. Kinikilalang Ama ng Sarswela si Severino Reyes.