« Kabanata 1Kabanata 3 »
Nagtungo si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Masikip at siksikan doon dahil may mga pasahero at naroon din ang mga bagahe at kargamenrto.
Naroon si Basilio na isang mag-aaral ng medisina at si Isagani na isang makata mula sa Ateneo. Kausap nila si Kapitan Basilio. Napag-usapan nila ang balak ng mga mag-aaral tungkol sa pagtuturo ng wikang Kastila na hindi naging matagumpay.
Napag-usapan din ng dalawa ang nobya ni Isagani na si Paulita Gomez, pamangkin ni Donya Victorina de Espadaña.
Maya-maya pa ay lumapit si Simoun kina Basilio at Isagani. Ipinakilala ni Basilio si Simoun kay Isagani. Nagwika si Simoun na hindi siya nadadalaw sa lalawigan nina Basilio at Isagani dahil mahirap ang lugar at walang bibili ng alahas.
Nagpatuloy ang usapan ng tatlo hanggang sa inalok ni Simoun ng serbesa ang dalawa. Tumanggi sila at sinabi ni Simoun na ayon daw kay Padre Camorra, kaya mahirap at tamad ang mga tao sa kanilang lugar ay panay tubig ang iniinom at di alak.
Aral – Kabanata 2
Sinisimbolo ng ilalim ng Kubyerta ang diskriminasyon ng lipunan, na ang mahihirap ay laging nasa ilalim. Ang hindi nila batid ay walang pinipiling katayuan sa buhay ang pagiging mahusay at kapakipakinabang.