Kilusan na gumamit ng dahas at rebolusyon laban sa mga espanyol

Katanungan Sagot

Katanungan

Kilusan na gumamit ng dahas at rebolusyon laban sa mga espanyol

Sagot verified answer sagot

Kilusan na gumamit ng dahas at rebolusyon laban sa mga espanyolAng kilusan o samahang gumamit ng dahas at rebolusyon laban sa mga Espanyol ay ang Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK).

Kilala rin bilang Katipunan, ang KKK ay ang samahan ng mga rebolusyonaryong Pilipino na nais labanan ang mali at malupit na pamamahala ng mga mananakop na Espanyol.

Ito ay pinangunahan ni Andres Bonifacio, na kilala rin bilang ama ng himagsikan. Ang KKK ay isang lihim na samahang kumikilos laban sa mga Kastila.

Gumagawa sila ng mga lihim na pagpupulong sa mga paglusob at mga kilos-protestang kanilang ginagawa. Nag-iipon din sila ng mga armas tulad ng mga rebolber at mga patalim.