Kinapapalooban ng mga aral at katuruan ng katipunan

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang kinapapalooban ng mga aral at katuruan ng katipunan?

Sagot verified answer sagot

Kinapapalooban ng mga aral at katuruan ng katipunanTinatawag na Kartilya ng Katipunan ang isang kasulatang kinapapalooban ng mga aral at katuruan ng Katipunan.

Ito ay inihanda at isinulat ng tinatawag na Utak ng Katipunan na si Emilio Jacinto. Ang Kartilya ay ang nagsisilbing gabay para sa mga kasapi ng Katipunan.

Ang kapansin-pansin sa Kartilya ng Katipunan ay ang aral at etiko na nais pairalin sa samahan ng mga Katipunero na KKK.

Kabilang sa ilang aral na nakapaloob sa kartilya ay ang pag-ibig sa kapuwa Filipino, pagtutulungan, pagtitiwala sa Katipunan, at ang pag-iingat sa dangal at puri bilang tao. Nakasaad rin dito ang pag-ibig sa kalayaan at kagandahan ng Pilipinas ay handog ng mga kasapi sa bayan.