Katanungan
mabuting epekto ng migrasyon sa ekonomikal?
Sagot
Ang mabuting epekto ng migrasyon sa ekonomikal ay nagdudulot ito ng pagkakaroon ng panustos sa pang-araw-araw na mga pangangailangan ng taong nakatagpo o nakahanap ng trabaho sa paglipat niya sa isang lugar.
Ang migrasyon ay tumutukoy sa paglipat ng indibdiwal mula sa isang lugar patungo sa ibang lokalidad o bansa upang doon mamalagi o manirahan.
Ang paglipat na ito ay kadalasang naglalayon na makahanap ng trabaho upang maiahon sa hirap ang kani-kanyang pamilya.
Samantala, sa usaping ekonomiya naman mahalaga ang migrasyon sapagkat tumataas ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho na silang nakatutulong sap ag-angat ng ekonomiya ng ating bansa.