Mahalagang mahubog ang pananampalataya sa panginoon sa aming tahanan upang?

Katanungan

mahalagang mahubog ang pananampalataya sa panginoon sa aming tahanan upang?

Sagot verified answer sagot

Kristiyanismo ang pinaka pangunahing relihiyon sa buong Pilipinas. Karamihan ng mga pamilyang Pilipino ay Kristiyano at kilala sila sa pananampalataya nila sa Diyos na siyang Ama, Anak, at Espiritu Santo.

Sa aming tahanan ay ganoon rin ang aming paniniwala. Napaka importante na mahubog nang husto ang pananampalataya sa Diyos dahil ang Diyos lamang ang makapagliligtas sa atin mula sa ating mga pagkakasala.

Ang Diyos rin ang makakapitan natin sa oras ng pangangailangan at sakuna. Walang hanggan ang pagmamahal ng Diyos, at siya rin ay mapagpatawad sa mga nagkakasala. Tutulungan niya tayo sa ating pang araw-araw na buhay dito sa mundong ibabaw.