Ang Alamat ng Rosas (Buong Kwento)


« Halimbawa #4

Maging ang mga kinagigiliwang alamat o kuwentong pinagmulan ng mga bagay ay isa rin sa mga kakikitaan ng salaysay ng pag-ibig.

Karamihan sa mga alamat ay larawan ng tunay na pagmamahal at nagbubunga ang kanilang pagmamahalan ng pinagmulan ng maraming bagay. Layunin din kasi ng mga alamat na magpakalat at magpalaganap ng pagmamahal sa mga bumabasa nito.

Isa sa mga klasikong kuwento o alamat ang tumalakay sa tunay na pagmamahal ay ang Alamat ng Rosas. Wala itong tiyak na manunulat at nagpasalin-salin na lang sa bawat lahi at henerasyon katulad ng ibang mga alamat.

May iba-iba ring bersiyon ang alamat na ito tungkol sa isa sa pinakasikat na bulaklak sa bansa. Gayunman, marami naman ang pagkakatulad ng mga kuwentong ito at lahat ay sinasaklaw ang pag-ibig.

Sa bersiyong gagamitin bilang halimbawa sa artikulong ito, isang kuwento ng pagmamahal ng mga tauhang sina Rosa at Mario ang itatampok. Sa lahat kasi ng bersiyon, ito ang tunay na nakapagpakita ng wagas na pagmamahalan.

Ayon sa isang berisyon na nakalathala sa maraming sanggunian sa Internet, ang pinagmulan ng bulaklak na rosas ay ang hindi mapapantayang pagmamahalan nina Mario at Rosa. Nag-isang dibdib ang dalawa bilang pagpapatunay sa kanilang wagas nap ag-iibigan. Ngunit bago ang kasal, nabatid ni Rosa na may karamdaman si Mario.

Alangan si Mario na pakasalan si Rosa, hindi dahil sa hindi niya ito mahal, ngunit batid niyang magiging pasakit lamang siya sa pagpapagaling nito. Pero nanindigan si Rosa sa pagmamahal niya kay Mario.

“Sa kabila ng lahat ay pinili ng dalaga na pakasal sila para mapaglingkuran ang lalaki hanggang sa mga huling sandali ng buhay nito.” -Nagsasalysay

Tumalima naman si Rosa sa kaniyang tungkulin bilang kabiyak ni Mario kahit na sa buong pagsasama nito ay wala siyang ginawa kung hindi alagaan lamang ang asawa. Hindi iniiwan ni Rosa si Mario at palagi itong nasa tabi niya. Pero hindi sumapat ang pagmamahalan ng dalawa upang matapos ang sakit ni Mario. Hindi siya gumaling, bagkus lalo pang lumala.

“Pinaglingkuran ni Rosa si Mario. Hindi siya umalis sa tabi nito. Ang ngiti niya ang nasisilayan ni Mario sa pagmulat ng mata at ang kanya ring mga ngiti ang baon nito sa pagtulog. Ang mga ngiti rin ni Rosa ang huling bagay na nasilayan ni Mario bago panawan ng hininga.” -Nagsasalaysay

Pumanaw na nga si Mario at naiwang mag-isa si Rosa. Naiwan siya ng minamahal ngunit hindi naman siya nalungkot ng tuluyan. Mulan ang ilibing, hanggang sa kaniyang pag-iisa, hindi naaalis ang ngiti ni Rosa sa kaniyang mukha.

“Alam kong nasaan man si Mario ay ako lang ang babaing kanyang minahal. At alam ko rin na maghihintay siya sa akin para magkasama kami at hindi na maghihiwalay pa.” -Rosa

Dahil sa tinurang iyon ni Rosa, hindi rin naglaon ay pumanaw siya. Kabilin-bilinan niyang sa tabi siya ni Mario ilibing na nasunod naman. Hindi naglaon ay mayroong tumubong kakaiba, ngunit magandang halaman sa puntod ni Rosa.

Pulang bulakalak ito na mabango, kasing bango ng pagmamahalan ng dalawa. Sabi ng mga nakakita, bunga raw ito ng pagmamahalan nina Mario at Rosa sa langit, kaya naman tinawag na nila itong Rosas.

Gintong Aral

Ang wagas na pagmamahalan ay walang pinipiling kalagayan. Kahit na mayroong karamdaman o anumang pinagdaraanan, ang isang tao ay kayang mahalin, at kayang magmahal. Ito ang tinatawag na pag-ibig na walang kapalit.


« #4 Ang Kwento ni Mabuti