Katanungan
Maaaring po bang masalamin ang kultura ng bansang pinagmulan sa mga akda?
Sagot
Oo. Kapag tayo ay nagbasa ng mga akda mula sa iba’t-ibang panig ng mundo, makikita natin na sinasalamin ng mga lathalain ng ito ang kultura ng bansang pinanggalingan nito.
Ito ay sa kadahilanan na ang mga manunulat ay kadalasan humuhugot ng inspirasyon mula sa kanilang sariling pamumuhay o hindi kaya naman ay sa mga kasalukuyang isyung kinakaharap ng kanilang bansa o lipunan.
Isang magandang paraan talaga ang pagbabasa ng mga akda mula sa iba’t-ibang bansa dahil matututunan natin ang kanilang mga kultura at tradisyon.
Bukod sa mga akda, ang kultura ng isang bansa ay mapapansin rin natin sa kanilang mga pelikula at mga palabas sa telebisyon.