Mga impluwensya ng relihiyon sa sining at kultura

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang mga impluwensya ng relihiyon sa sining at kultura?

Sagot verified answer sagot

Mga impluwensya ng relihiyon sa sining at kulturaAng relihiyon ay may malaking impluwensiya sa sining at kultura ng mundo. Sa sining, maraming simbahan ang hinahangaan dahil sa kanilang arkitektura.

Maituturing na sining ang maselang pagkakabuo sa mga ito, maging ang mga materyales at paraan kung paano ito binuo.

Ang mga rebulto, pinta, at mga kagamitan sa loob ng mga simbahan ay maituturing din na kamangha-manghang sining dahil maging ang mga kilalang alagad ng sining ay humahanga sa mga ito.

Pagdating naman sa kultura, ang relihiyon ang nagbukas sa iba’t ibang makukulay na pista sa mundo. Ang mga pista at mga pagdiriwang tulad ng Pasko ay malaking bahagi ng buhay ng mga tao sa mundo.