Katanungan
mga kontribusyon ng simbahan?
Sagot
Isa ang simbahan sa mga bahagi na bumubuo sa isang lipunan. Ang simbahan ay may kaakibat na tungkulin para sa mga mamamayan, tulad ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Ngunit ang simbahan rin ay may dulot na mga kontribusyon at benepisyo sa komunidad na kinabibilangan nito. Halimbawa nalang, ang charity ng simbahan ay nakapagpatayo na ng maraming paaralan sa buong bansa.
Lagi rin may donasyon ang simbahan sa mga lugar na tinatamaan ng sakuna lalo na at maraming bagyo ang nagdaraan sa Pilipinas. Isa pang kontribusyon nila ay nagkakaroon ng mga pista at selebrasyon sa isang munisipalidad na siya namang ikinatutuwa ng mga mamamayan.