Mga Pambansang Sagisag ng Pilipinas

Ano Ang Ibig Sabihin ng Pambansang Sagisag ng Pilipinas

Kahulugan: Ang mga pambansang sagisag ng Pilipinas ay mga simbolo na kumakatawan sa ating bansa at sa mga mahahalagang aspeto ng ating kultura at kasaysayan.

Mga Halimbawa

Ang Pilipinas ay may iba’t-ibang pambansang sagisag. Iilan dito ay:

  • Ang Pambansang Watawat – na may tatlong kulay: pula, puti, at asul, at may tatlong bituin at araw sa gitna. Ang Watawat ng Pilipinas ay sumisimbolo sa kasaysayan, kultura, at mga prinsipyo ng ating bansa.
  • Ang Pambansang Puno – natin ay ang Narra, na kilala sa kanyang magandang kulay at matibay na kahoy.
  • Ang Pambansang Hayop – ay ang Kalabaw, na ginagamit sa pagsasaka.
  • Ang Pambansang Ibon ay ang Agila ng Pilipinas o Philippine Eagle, isa sa mga pinakamalalaking agila sa mundo. Biyahero ng kalangitan.
  • Ang Pambansang Sayaw – na tinatawag na Tinikling. Ito ay ang pag sayaw sa pagitan ng mga kawayan.
  • Ang Pambansang Laro – na sipa o ang isa nitong baryasyon “sepak takraw” na ginagamit sa mga paligsahan.
  • Ang Pambansang Bulaklak – Sampaguita. Maliit at mabangong bulaklak. Ito ay kulay puti at kadalasang makikita sa mga simbahan. Ito ay simbolo ng pagkakabuklod-buklod, pag-asa, at malinis na hangarin.

Ang mga ito ay iilan lamang sa mga pambansang sagisag na nagpapakita ng yaman ng ating kulturang Pilipino.