Katanungan
Saan damdamin namulat ang mga Pilipino noon pong panahon pa ng rebolusyon? Pa help naman po..
Sagot
Noong panahon ng rebolusyon ay namulat ang damdaming nasyonalismo ng maraming mga Pilipino. Nasyonalismo ang tawag sa isang kilusan at politikal na kaisipan na nagpapakita ng kamalayan ng grupo ng mga tao o ng isang lipunan.
Ipinapahayag nito ang malalim na pagmamahal, matinding katapangan, at walang-kupas na katapatan ng mga mamamayan sa kanilang bansa.
Noong panahon ng rebolusyon, nang magising ang diwa ng nasyonalismo sa puso ng maraming Pilipino, doon nagsimulang mag-alsa ang mga Pilipino laban sa mga pang-aabusong ginagawa ng mga Espanyol.
May mga pangkat na nabuo tulad ng Katipunan upang ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino. Nagsama-sama ang buong sambayanang Pilipino upang mapaalis ang mga mananakop sa ating bansa.