Katanungan
nangangahulugan itong muling pagsilang?
Sagot
Mula sa wikang Pranses o French, ang salitang Renaissance ay nangangahulugang muling pagsilang, o sa wikang Ingles ay rebirth.
Isa sa mga pinaka-prominenteng panahon sa kasaysayan ng kontinenteng Europa ang Renaissance. Ito ay tumagal sa pagitan ng ika-14 hanggang ika-17 na siglo.
Ang panahon ng Renaissance ay ang transpormasyon ng daigdig mula sa Gitnang Panahon patungo sa makabagong panahon. Kilala ang Renaissance sa ambag nito sa kultura, politika, sining, at panitikan ng Europa.
Ito ang nagbukas ng larangan ng singin at panitikan sa buong mundo at maraming mga manlilikha ang naging tanyag, kabilang na sina Leonardo da Vinci at William Shakespeare.