Nasasalamin ba sa pabulang nagkamali ng utos ang kultura nating mga Pilipino ipaliwanag?

Katanungan

Nasasalamin ba sa pabulang nagkamali ang utos ang kultura nating mga Pilipino?

Sagot verified answer sagot

Isa sa mga nakakaaliw na pabulang aking nabasa ay ang may pamagat na “Nagkamali ng Utos.” Kung ako ang tatanungin, ang pabulang ito ay nagpapakita ng kultura nating mga Pilipino.

Kung babalikan ang kuwento, makikita natin na nagtagumpay ang mga tutubi laban sa mga matsing kahit na ang mga tutubi ay hindi hamak na mas maliliit kaysa sa mga matsing. Ito ay sa kadahilanan na naging mautak ang mga tutubi.

Isang katangian at kultura nating mga Pilipino ay ang pagiging mautak natin, lalo na kapag tayo ay humaharap sa isang suliranin o problema.

Hindi rin tayo basta-basta nagpapa-api at kung kaya namang lumaban ay gagawin natin.