Noli Me Tangere – Tauhan at Katangian

Sadyang napakaraming mga tauhan sa nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Ang bawat karakter sa kwento ay may mga sinisimbulo sa lipunang ginagalawan ng ating pambansang bayani. Alamin kung sinu-sino ang mga tauhan sa kwento at kung anu-anong mga papel ang kanilang ginampanan.

Crisostomo Ibarra

Si Ibarra ay isa sa mga pangunahing tauhan sa nobela. Siya ang nag-iisang anak at tagapag-mana ni Don Rafael Ibarra. Dahil siya ay nagmula sa mayamang pamilya, nagkaroon siya ng pagkakataon na makapag-aral sa Europa. Matapos ang kanyang pamamalagi sa Europa, siya ay nagpasyang umuwi.

Matagal na niyang pangarap na makapag-patayo ng isang iskwelahan upang mapaunlad ang kinabukasan ng mga bata sa kanilang bayan.

Siya ay itinuring na eskumulgado matapos niyang tangkain na saksakin ang Pransiskanong prayle na si Padre Damaso. Bagamat siya ay pinalusot sa unang pagkakataong, nadawit siya sa isang pag-aalsa kaya tuluyan siyang tinugis ng mga kinauukulan.

Maria Clara

Si Maria Clara ay ang pinakamamahal na babae ni Ibarra. Siya ay itinuturing na pinakaganda sa buong bayan. Kilala rin ang dalaga sa kanyang angking kayumian. Sa mga unang kabanata, ipinakita na si Maria Clara ay ang nag-iisang anak ni Kapitan Tiago at Donya Pia Alba. Ngunit nang naglaon, ibinunyag niya kay Ibarra na siya ay anak ni Padre Damaso.

Elias

Si Elias ang magsasakang nagpakita kay Ibarra ng tunay na sitwasyon sa kanilang bayan. Bagamat siya ay kabilang sa angkan na kaaway ng mga Ibarra, isinakripisyo niya ang kanyang buhay para mailigtas si Crisostomo nang sinubukan nilang tumakas papalabas sa lawa ng Bay. Nang siya ay nakarating sa kagubatan ng mga Ibarra at nag-aagaw buhay, sinabi niyang hindi man lang niya.

Kapitan Tiago

Si Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago ay isang kilalang Pilipinong elitista. Dahil sa kanyang mataas na posisyon sa lipunan, malapit siya sa mga Pransiskanong prayle na sina Padre Salvi at Padre Damaso. Wala siyang ibang gusto para sa kanyang nag-iisang anak na si Maria Clara kundi makapag-asawa ng mayaman at maimpluwensyang binata. Kaya ganun na lamang niya kabilis talikuran ang napagkasunduang pagpapakasal ni Maria Clara kay Ibarra matapos itong itiwalag ng simbahan.

Padre Salvi

Si Padre Salvi ay isa mga Pransiskanong prayle na namumuno sa San Diego. Siya ay kilala bilang isang mapaglinlang na pari na ginagamit ang kanyang posisyon sa lipunan upang mapalakas ang kanyang impluwensya sa buong bayan. Mayroon siyang lihim na pagtingin kay Maria Clara kaya gumawa siya ng paraan upang masira ang reputasyon ni Ibarra. Si Padre Salvi ang nag-organisa ng rebelyon laban sa mga Gwardya Sibil at pinaniwala ang mga kinauukulan na si Ibarra ang nasa likod nito.

Padre Damaso

Kilala si Padre Damaso na isang arroganteng at malupit pari na hindi marunong magsalita ng Filipino kahit pa matagal na siyang naninirahan at nakikinig sa mga kumpisal ng mga taga San Diego. Tuwing may kumakalaban sa kanya, ginagamit niya ang kanyang mataas na posisyon sa simbahan upang magpataw ng parusa gaya na lamang ng ekskomunikayon. Siya ang tunay na ama ni Maria Clara matapos maki-apid sa kanya si Donya Pia Alba.

Nakalaban siya ng ama ni Ibarra na si Don Rafael. Dahil dito ay nakulong si Don Rafael at namatay habang nasa kulungan. Siya ang naging mortal na kalaban ni Ibarra sa buong nobela.

Pilosopong Tasyo

Si Tandang Tasyo o Don Anastasio ay isa sa mga karakter na kumakampi kay Ibarra. Kilala siya sa kanyang kakaibang pananaw sa mundo. Siya ang sumisimbolo sa mga taong walang pakialam sa iniisip ng iba. Sa kasamaang palad, dahil mas gusto niyang mapag-isa, namatay siyang walang kasama.

Crispin

Si Crispin ay anak ni Sisa na isang sakristan sa simbahan ng San Diego. Kasama ang kanyang kuya na si Basilio, nagtratrabaho siya upang makapagbigay ng pera sa kanilang ina na si Sisa. Sa kasamaang palad, napagbintangan siyang nagnakaw ng pera sa simbahan kaya napilitan siyang magtrabaho upang mabayadan ang kanyang utang.

Isang gabi, plinano nilang magkapatid na bumisita sa kanilang ina, ngunit pinigilan sila ng punong maestro ng mga sakristan. Nang sinagot ni Crispin ang punong maestro, pinalo siya ng paulit-ulit. Wala ng nakakita pa sa binata matapos ang naturang pagmamaltrato sa kanya ng simbahan.

Basilio

Siya ang nakakatandang kapatid ni Crispin. Tulad ng kanyang kapatid, nagsasanay rin siya upang maging sakristan. Sinubukan niyang hanapin ang kanyang kapatid matapos iton kaladkarin ng punong maestro ng mga sakristan. Sa kasawiang palad, hindi na niya nahanap ito. Tumakas na lang siya at nagtungo sa tahanan ng kanyang ina. Nagpaalam siya na magtratrabaho na lamang kay Crisostomo Ibarra.

Don Tiburcio

Si Doctor Tiburcio de EspadaƱa ay isang Espanyol na nang-gagamot ng mga tao kahit hindi naman isang tunay na doctor. Bagamat walang sapat na kaalaman sa medisina, sinisingil niya ang kanyang mga pasyenteng ng napakataas na bayad. Akala ng maraming tao na tunay siyang doctor dahil sa kanyang mataas na singil.

Sa kalaunan, nalaman ng mga tao na isa siyang pekeng doktor, kaya napilitan siyang humanap ng ibang pangkabuhayan.

Donya Victorina

Si Donya Victorina ay isang pilipinong babae na nakapangasawa ng isang Espanyol na nag-ngangalang Don Tiburcio.

Walang ibang bagay na pinapahalagahan si Donya Victorina kundi ang pag-ingatan ang kanyang imahe bilang isang elitista. Siya ang nagsuhestiyon na ipakasal si Maria Clara sa kanyang pamangking si Linares.

Tinyente Guevarra

Siya ay isang nakakatandang Gwardya Sibil na lubos na rumerespeto sa pamilya ng mga Ibarra. Ibinunyag niya kay Crisostomo kung paano nakulong ang kanyang ama na si Don Rafael dahil siya ay nabansagang erehe at pilibustero.
Idinetalye niya kung paano ipinahukay ang mga labi ni Don Rafael at pinalipat sa libingan ng mga Instik ng kalaban nitong si Padre Damaso.

Linares

Ipinagkasundo siyang ipakasal kay Maria Clara matapos itakwil ng simbahan si Ibarra. Si Linares ay pamangkin ni Don Tiburcio. Siya ay nagtapos ng abogasya sa Espanya at itinuturing na pinakamatalino sa angkan ng mga de EspadaƱa.

Pumayag si Padre Damaso na makasal si Linares sa kanyang anak na si Maria Clara upang hindi makatuluyan ng dalaga ang kalaban niyang si Crisostomo Ibarra.

Ang kwento ng Noli Me Tangere ay isa sa mga pinaka-importanteng nobela na nailimbag sa panahon ng mga Kastila. Ngayon ito ay parte ng kurikulum ng mga mag-aaral sa hayskul.