Magandang Araw! Ito ang main page ng Noli Me Tangere (Buod), mayroong mahabang buod ng buong kwento na 1,000 words, mayroon din namang maikling buod na naglalaman lamang ng 300 words. Mayroon din buod ng bawat kabata (1 – 64). Andito din ang listahan ng mga tauhan ng kwento at ang kanilang katangian. Mamili lang sa listahan sa baba at sana ay makatulong ang Panitikan.com.ph sa inyo. Salamat!
Buod (Buong Kwento)
Noli Me Tangere Maikling Buod (300 Words)
Noli Me Tangere Mahabang Buod (1,000 Words)
Kabanata 1 – 64 (with Talasalitaan and Aral)
- Kabanata 1: Ang Pagtitipon
- Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra
- Kabanata 3: Ang Hapunan
- Kabanata 4: Erehe At Pilibustero
- Kabanata 5: Pangarap Sa Gabing Madilim
- Kabanata 6: Si Kapitan Tiago
- Kabanata 7: Suyuan Sa Asotea
- Kabanata 8: Mga Alaala
- Kabanata 9: Mga Bagay-bagay Ukol Sa Bayan
- Kabanata 10: Ang Bayan Ng San Diego
- Kabanata 11: Ang Mga Makapangyarihan
- Kabanata 12: Araw Ng Mga Patay/Todos Los Santos
- Kabanata 13: Mga Unang Banta Ng Unos
- Kabanata 14: Si Pilosopo Tasyo
- Kabanata 15: Mga Sakristan
- Kabanata 16: Si Sisa
- Kabanata 17: Si Basilio
- Kabanata 18: Mga Kaluluwang Naghihirap
- Kabanata 19: Karanasan Ng Guro
- Kabanata 20: Ang Pulong Sa Tribunal
- Kabanata 21: Kasaysayan Ng Isang Ina
- Kabanata 22: Dilim At Liwanag
- Kabanata 23: Ang Pangingisda
- Kabanata 24: Sa Kagubatan
- Kabanata 25: Sa Bahay Ng Pilosopo
- Kabanata 26: Bisperas Ng Pista
- Kabanata 27: Sa Pagtatakipsilim
- Kabanata 28: Mga Sulat
- Kabanata 29: Ang Umaga
- Kabanata 30: Sa Simbahan
- Kabanata 31: Ang Sermon
- Kabanata 32: Ang Panghugos
- Kabanata 33: Malayang Kaisipan
- Kabanata 34: Ang Pananghalian
- Kabanata 35: Ang Usap-Usapan
- Kabanata 36: Ang Unang Suliranin
- Kabanata 37: Ang Kapitan-Heneral
- Kabanata 38: Ang Prusisyon
- Kabanata 39: Si Donya Consolacion
- Kabanata 40: Ang Karapatan At Lakas
- Kabanata 41: Dalawang Panauhin
- Kabanata 42: Mag-asawang De Espadaña
- Kabanata 43: Mga Balak O Panukala
- Kabanata 44: Pagsusuri Sa Budhi
- Kabanata 45: Ang Pinag-uusig
- Kabanata 46: Ang Sabungan
- Kabanata 47: Ang Dalawang Senyora
- Kabanata 48: Ang Talinghaga
- Kabanata 49: Ang Tinig Ng Mga Pinag-uusig
- Kabanata 50: Ang Mga Kaanak Ni Elias
- Kabanata 51: Mga Pagbabago
- Kabanata 52: Baraha Ng Patay At Mga Anino
- Kabanata 53: Ang Mabuting Araw Ay Nakikilala Sa Umaga
- Kabanata 54: Ang Pagbubunyag
- Kabanata 55: Ang Pagkakagulo
- Kabanata 56: Ang Mga Sabi At Kuro-Kuro
- Kabanata 57: Vae Victus
- Kabanata 58: Ang Isinumpa
- Kabanata 59: Pag-ibig Sa Bayan
- Kabanata 60: Ikakasal Na Si Maria Clara
- Kabanata 61: Ang Barilan Sa Lawa
- Kabanata 62: Ang Pagtatapat Ni Padre Damaso
- Kabanata 63: Ang Noche Buena
- Kabanata 64: Ang Katapusan
Mga Tauhan (with Katangian)
Tauhan at Katangian (complete list) – A to Z na listahan ng mga tauhan sa Noli Me Tangere, may kasama din katangian at impormasyon kung ano ang kanilang ginampanang papel sa istorya – Visit page.
Kasaysayan
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere – alamin kung bakit isa ang Noli Me Tangere sa mga pinaka importanteng nobela sa ating bansa. – Visit page.
Quotes
“Hindi kayang patahimikin ang mga naaapi”
“Kahit gaano kahaba ang madilim na gabi, sisikat din ang araw na may dalang bagong pag-asa”
“Wag mong maliitin ang kakayahan ng mga Pilipino”
“Ang buhay ko ay puno ng paghihirap, para makita ang aking bayan na mamayagpag, titiisin ko ito”
“Tiyak ang tagumpay kapag ikaw ay marunong makisama sa iyong mga kapwa tao”
NOBELA: Noli Me Tangere Buod 2024
Ang Pagpupulong at Pagpapakilala
Nagkaroon ng isang selebrasyon si Don Santiago Delos Santos o mas kilala siya bilang si Kapitan Tiyago sa kanilang kalye. Marami ang dumalo at iba’t ibang uri ng estado sa buhay ang kaniyang mga bisita. Kabilang na rito ang mga pari na si Padre Sibyla at Padre Damaso. Nandoon ang kaniyang pinsan na si Tiya Isabel upang magbilang at bumati sa kanilang mga bisita.
Habang nandoon si Padre Damaso, hindi niya naman pinalampas na kutyain ang mga indio at mga mababa ang estado sa buhay na tao na nandoon. Hindi siya nagtigil mangbaba ng pagkatao, ngunit pinakalma na lamang siya ni Padre Sibyla at kinwento ang ibang karahasan na ginawa ni Padre Damaso sa inaakala niyang mga erehe, na kahit inosente naman talag ito.
Habang nasa pagtitipon, may ipinakilala naman si Kapitan Tiyago kay Padre Damaso, na si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin. Nakipagkamay ito sa pari na kung saan isang pag uugali mula sa Alemanya. Kinausap naman si Ibarra ng Tinyente, ngunit tinitigan ito ni Padre Damaso na parang tigilan ang pakikipag usap dito.
Si Maria Clara at Kwentuhan ng Dalawang Magkaibigan
Mayroong kasintahan si Crisostomo Ibarra, at ito ay si Maria Clara na anak-anakan din ni Kapitan Tiyago. Si Maria Clara ay isang magandang dilag kaya nabighani rin niya si Padre Salvi na mahilig sa mga dalaga. May lihim din na pagtingin ang pari sa kaniya. Isang araw, dinalaw ni Ibarra si Maria Clara upang pagkatandaan ang kanilang mga alaala.
Pagtapos nito, pinuntahan naman ni Ibarra si Tinyente Guevarra upang ikwento ang tunay nangyari sa ama ni Ibarra. Iginiit nito na pinatay ito dahil napagkamalan na isang erehe at pilibustero dahil lamang hindi ito nakakapagkumpisal at nakakapunta ng simbahan. Inutusan din ni Padre Damaso ang sepulturero na ilipat ang bangkay sa hanay ng mga Intsik upang hindi ito matagpuan. Ngunit dahil sa bugso ng ulan at hindi na kaya pang bitbitin, itinapon na lamang ang katawan sa isang ilog.
Ang Nais na Paghihiganti
Nang malaman ni Ibarra ang lahat ng pangyayari, lalo lamang nabuo ang kaniyang poot at galit kay Padre Damaso. Wala sa kaniyang plano ang paghihiganti, ngunit sobrang galit ang kaniyang naramdaman.
Sa isang pagbabasbas, naghain ng pananghalian si Ibarra. Habang nandoon si Padre Damaso ay kinukutya pa rin nito ang binata kaya naman hindi na nakapagpigil na saksakin ang pari. Buti na lamang ay napigilan siya ni Maria Clara. Dahil sa kaniyang ginawa, siya ay naging ekskomunikado.
Naudlot na Pagpapakasal
Habang ekskomunikado si Ibarra, sinamantala ito ni Padre Damaso na huwag ituloy ang kasal nila ni Maria Clara. Bagkus, ipinilit ng pari na ikasal si Maria Clara kay Alfonso Linares.
Hindi nag tagal ay nagkasakit ang dalaga dahil sa labis na kalungkutan, at sa tulong ng isang Kapitan Heneral, hindi na naging ekskomunikado si Crisostomo Ibarra.
Huwad na Pagsalakay
Nang makabalik na si Ibarra, sinalakay naman ito at pinagbibintangan ang binata na kahit siya ay inosente, dinakip at kinulong pa rin siya. ngunit dahil sa tulong ni Elias, si Crisostomo Ibarra ay nakatakas.
Ang Pagtakas
Itinakas ni Elias si Crisostomo Ibarra gamit ang kaniyang bangka. Kahit nalagpasan nila ang isang gwardya sibil ay nahabol pa rin sila nito kaya naman iniligaw nila ang gwardya sa pamamagitan ng paglusong muna sa ilog.
Dahil sa inakalang si Ibarra ang nabaril at nakita na may dugo. Labis na nalungkot muli si Maria Clara kaya naman pinili na lang nito mag madre. Hindi nakatanggi si Padre Damaso dahil magpapakamatay daw si Maria Clara kung hindi ito papayagan. Ani rin ni Padre Damaso, sana siya na lamang ang pinarurusahan ng Diyos, imbis na ang anak na walang kamalay-malay sa kaniyang kasalanan.
Ang nalalapit na kasalan ni Maria at Linares
Tuwang tuwa si Kapitan Tiyago kaya naman siya ay nag gaod ng isang selebrasyon para sa dalaga. Kahit malungkot si Maria Clara ay magalang niya pa rin binabati ang kaniyang mga bisita. Gusto rin ni Kapitan Tiyago si Linares para kay Maria dahil tagapagpayo ito ng isang Heneral, kaya nakakalabas pasok din siya sa pamahalaan.
Habang nasa pagtitipon, kinausap siya ng iilang kababaihan na tanga raw si Maria Clara dahil maganda naman siya ngunit kayamanan lamang ni Linares ang kaniyang habol. Mayroon din na nagsabi na marunong naman siya sa buhay dahil bibitayin lang naman si Ibarra kung ipagpapatuloy pa rin ang kanilang kasal, kaya umalis na lamang si Maria Clara at siya ay nagalit.
Napag alaman din na hindi naman daw bibitayin si Ibarra, kung hindi ipapatapon lamang, ayon kay Tinyente Guevarra.
Ang Katotohanan ni Maria Clara
Nagkaroon ng pagkakataon na magkausap si Maria Clara at Crisostomo Ibarra, doon niya lamang din nalaman na ang totoong ama ni Maria Clara ay si Padre Damaso kaya labis ang pagtutol ng pari sa kanilang pagmamahalan at pagpapakasal sa isa’t isa.
Ang Noche Buena
Dito muling natagpuan ni Basilio ang kaniyang Ina na si Sisa. Habang hinahabol niya ang kaniyan nanay ay binato naman siya ng isang aliping babae kaya nagdugo ang kaniyang ulo. Hindi nagtagal ay namatay din si Sisa. Humagulgol si Basilio at dumating naman si Elias upang tulungan ang binata at sinabihan na may nakabaon na yaman sa puno ng Balite.
Sinabihan siya ni Elias na gamitin ang kayamanan na iyon upang siya ay mag aral at tapusin. Kita kay Elias na hindi na rin magtatagal ang kaniyang buhay dahil dalawang araw na rin siyang hindi kumakain.
Kumuha ng panggatong si Elias upang ibigay kay Basilio at sunugin ang katawan ng kaniyang ina at katawan ni Elias, bago mamatay ay bumulong pa ito ng isang panalangin.
Ang Wakas
Nanirahan din si Padre Damaso sa Kamaynilaan kung nasaan ang kumbento ni Maria Clara. Hindi nagtagal ay naging Padre siya ng isang probinsya kaya nalayo sa kaniyang anak. Si Padre Salvi naman ay lumugar din malapit sa kumbento kung nasaan si Maria, at doon din nagsilbi.
Si Kapitan Tiyago naman ay nagkaroon ng krisis sa sarili, nagkasakit, at hindi na makapagtiwala sa kahit kanino mang tao, bunsod ng mga nangyari sa kaniyang buhay. Nalimutan niya na rin ang kaniyang pananampalataya sa kaniyang relihiyon.