« Kabanata 59Kabanata 61 »
Maligaya si Kapitan Tiago dahil siya ay hindi man lang nausig ng pamahalaan. Kabaligtaran ni Tinong na mula nang imbitahan ng pamahalaan ay di na nakausap nang maayos at di na lumalabas.
Dumating naman ang mga De Espadaña sa bahay ni Tiago kasama si Linares. Sinabi ni Donya Victorina, nararapat lamang na maparusahan si Ibarra sa ginawa. Hinarap ni Maria Clara ang mga bisita.
Napag-usapan ang kasal nina Maria at Linares. Payag na si Tiago na ikasal si Maria kay Linares dahil tagapayo ito ng Kapitan Heneral.
Kinabukasan, napuno ng bisita ang bulwagan ni Kapitan Tiago. Andun ang mga Instik, mga paring sina Salvi at Sibyla. Naging usap-usapan ang pagpapakasal ni Maria kay Linares. Sabi ng ilan ay ginagawa lamang daw ito ni Maria dahil papaslangin na si Ibarra.
Nagtungo si Maria sa asotea. Nakita niya sa isang lumang bangka sina Elias at Ibarra na tatakas. Sandaling nag-usap ang dalawa at sinabi ni Maria na si Ibarra pa rin ang mahal nito. Umalis na rin ang dalawa pagkatapos makipag-usap kay Maria.
Aral – Kabanata 60
May mga taong napagbibigkis ng kasal kahit hindi naman tunay na nagmamahalan. Ang ilan ay napilitan lamang dahil sa pamilya, estado ng buhay, at iba pang dahilan.
Talasalitaan – Kabanata 60
« Kabanata 59: Pag-ibig Sa BayanKabanata 61: Ang Barilan Sa Lawa »