« Kabanata 20Kabanata 22 »
Si Sisa ay isang larawan ng ina na sadyang mahina at marupok kapag nasa kapahamakan ang kanyang mga anak. Ipinakita ito sa kabantang ito.
Mula sa kinatatayuan ay natanaw ni Sisa ang dalawang sundalo na palabas sa kanilang tahanan. Hindi nila bitbit si Basilio, tanging ang inahing manok lamang niya ang kanilang nakuha.
Tinanong si Sisa kung nasaan ang kanyang mga anak pati na ang pera na ninakaw ng mga ito. Sinabi niya na hindi pa niya nakikita ang kanyang mga anak, kasabay ng pagtatanggol na hindi sila mga magnanakaw.
Pinilit ng mga sundalo na isama si Sisa sa bayan upang humarap sa kura. Dito, naranasan niya ang sobra-sobrang panglalait at pang-aalipusta mula sa mapanghusgang mata ng mga taong bayan. Pakiramdam niya ay parang mamamatay na siya sa kahihiyan.
Nang makarating siya sa kwartel ng mga sundalo, siya ay paulit-ulit na tinanong. Muli, pinasinungalingan niya lahat ng mga paratang sa kanila. Dahil dito, hindi naglaon ay nagdesisyon ang kura na pauwiin siya.
Sa kanyang pag-uwi ay nakakita siya ng maliit na pilas ng damit ni Basilio na mayroong bahid ng dugo. Siya ay labis na nabahala dahil ang lugar na iyon ay malapit sa bangin. Dahil sa mga pangyayaring ito ay tuluyan nang tinakasan ng bait si Sisa at siya ay namuhay bilang isang palaboy.
Aral – Kabanata 21
Ang ina, gaano man kahirap ay hahamakin ang lahat para sa anak na minamahal. Sadyang hindi masusukat ang kanilang pagmamahal.
Talasalitaan – Kabanata 21
« Kabanata 20: Ang Pulong Sa TribunalKabanata 22: Dilim At Liwanag »