« Kabanata 61Kabanata 63 »
Nabalitaan na ni Maria Clara ang nangyari kay Ibarra. Nakapako lamang ang kaniyang mga mata sa mga pahayagang nagsasabing patay na si Ibarra. Di man niya ito binabasa, batid niya ang balita.
Dumating si Padre Damaso at nakita ang malungkot na anak. Hiniling agad ni Maria na huwag nang ituloy ang kasal kay Linares dahil wala naman daw siyang ibibiging iba ngayong wala na si Ibarra. Dalawa na lang daw ang mahalaga sa kaniya ngayon, ang kamatayan o kumbento.
Batid ni Padre Damaso na gagawin ng anak ang sinasabi kaya humingi ito ng tawad kay Maria. Napaiyak pa ang prayle at sinabing walang kapantay ang pagmamahal sa anak. Pumayag din itong huwag nang ikasal at papasukin na lang sa kumbento.
Malungkot din si Damaso sa dinaranas ng anak. Napatingala siya sa langit at nasabi niyang totoo ang Diyos at nagpaparusa talaga ito sa mga nagkakasala.
Aral – Kabanata 62
Nasa huli ang pagsisisi. Kapag nakikita na ang bunga ng mga maling desisyon, tsaka mapagtatanto ang mga kasalanan at kamaliang nagawa.
Talasalitaan – Kabanata 62
« Kabanata 61: Ang Barilan Sa LawaKabanata 63: Ang Noche Buena »