Paano Gumawa Ng Tula?

Sa lahat ng anyo ng panitikan, sinasabing tula ang pinakamasining at pinakakomplikadong gawin sa lahat.

Maliban kasi sa kalinangan sa pagsusulat, kinakailangan din nito ng kaalaman sa pagbibigay ng tugma at pagpapakahulugan gamit ang mga talinhaga. Narito ang ilang paraan sa paggawa ng tula.

Kailangan ng kasanayan sa masining na paggamit ng wika

Mainam na matuto kung paano masining na maipahahayag ang damdamin gamit ang wika. Kailangang malawak ang bokabularyo ng isang tao upang wastong makahanap ng salitang katugma at pasok pa rin sa diwa ng tula.

Masining din ang pagpapahayag dahil gumagamit ng mga salitang hindi karaniwang nasasambit sa araw-araw na talastasan na lalong nagbibigay kulay sa tula.

Kailangan ng tunay na damdamin sa pagsulat

Ang tula ay parang paglikha ng isang awiting tunay na repleksyon ng damdamin ng isang tao. Kailangan muna niyang hukayin mula sa puso ang damdamin upang maramdaman ng babasa o makikinig nito na ang isinasalaysay sa tula ay totoo at tunay na ekspresyon ng sumusulat.

Dapat ay may taglay na displina sa pagsulat

Disiplina ang pinakamahalagang aspekto ng pagsulat ng tula. Ang mga manunula ay dapat kayang tumalima sa mga itinakdang panuntunan tulad ng bilang ng saknong, talutod, at pantig. Maging ang tema, anyo, at damdamin ay dapat sundin upang maisagawa nang wasto ang isusulat na tula.

NEXT: Ano ang tula? ยป

Ang mga tula po na ito na pinamagatang Paano Gumawa Ng Tula? ay original na gawa ng Panitikan.com.ph. Sana po ay nagustuhan ninyo at may napulot kayong aral sa post na ito. Kung gusto ninyo pang magbasa sa naturang topic na ito, check lang po ninyo ang mga nakalista sa baba. Maraming salamat sa pagtangkilik! :)