Paano lumaganap ang maikling kwento sa Pilipinas?

Katanungan

paano lumaganap ang maikling kwento sa pilipinas?

Sagot verified answer sagot

Bago pa man ma-kolonisa o masakop ng iba’t-ibang pangkat o bansa an gating bansang Pilipinas, ang pagkakaroon ng mga maikling kwento ay malaking bahagi na ng ating kultura at mayamang panitikan.

Sinasabing ang mga maikling kwento na mayroon tayo ay nagsimula noong nagpasalin-salin ang ating mga ninuno ng kanilang mga kwento ukol sa bayan o sa kanilang mga karanasan.

Simula noon ay naipasa-pasa na sa mga susunod na henerasyon ang mga maiikling kwento. Mas naging sikat pa ang mga maiikling kwento noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Sa ilalim ng kolonisasyon nila ay may mga aklat ng maiikling kwento na nai-lathala.