Paano nagsimula ang Rome?

Katanungan

paano nagsimula ang rome?

Sagot verified answer sagot

Sa bansang Italya, ang lungsod ng Roma ang naging pangunahing sentro ng kanilang sibilisasyon. Ayon sa alamat, ang lungsod ay itinatag ng kambal na pinangalanang sina Romulus at Remus.

Sila ay inabandona at ipinaagos sa ilog ng Tiber. Doon sila ay natagpuan at pinalaki ng babaeng lobo. Nang lumaki na ang kambal ay inangkin na nila ang trono mula sa naghahari. Kalaunan ay pinatay ni Romulus si Remus. Kaya nabuo ang lungsod ng Roma.

Nagsimula ang paglawak ng roma at naging imperyo ito. Kinilala ang imperyong ito sa larangan ng panitikan, sining, musika, at marami pang iba, na hanggang ngayon ay parte ng kultura ng Italya.