Paano nahubog ang kulturang Pilipino?

Katanungan Sagot

Katanungan

paano nahubog ang kulturang Pilipino?

Sagot verified answer sagot

Paano nahubog ang kulturang PilipinoNahubog ang kulturang Pilipino sa iba’t ibang dahilan at salik. Una na rito, dahil sa pananakop na naganap sa Pilipinas.

Tatlong bansa ang sumakop sa Pilipinas ngunit ang impluwensiyang Espanyol at Amerikano ang nanaig sa ating kultura. Maraming bagay tulad ng tradisyon, pagpapahalaga, at maging wika ang niyakap ng mga Pilipino.

Isa pa sa dahilan ng pagkakahubog ng kulturang Pilipino ay ang mga iniwang bakas at paniniwala ng ating mga ninuno. Kahit na nasakop ang Pilipinas ng Espanya ng 333 taon, nananatili pa rin ang katutubong kultura ng mga Pilipino na patuloy pa ring isinasabuhay at isinasagawa ng mga pangkat-etniko magpasahanggang ngayon.