Pabor ka ba na muling mapasailalim sa mga mananakop ang ating bansa bakit?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

pabor ka ba na muling mapasailalim sa mga mananakop ang ating bansa bakit?

Sagot verified answer sagot

Ang pananakop ay walang magandang maidudulot sa isang bansang sinasakop kahit kalian man.

Kaya naman hindi ako sang-ayon… ako ay tutol na tutol na muli pang sumailalim ang ating bansang Pilipinas sa pananakop ng isang dayuhang bansa. Ang pananakop ng isang bansa ay para lamang sa pansariling interest ng mananakop na bansa.

Maaabuso lamang ang mga mamamayang Pilipino at maaaring mawalan pa ng karapatan at kalayaan. Ang mga kinikilala rin nating kultura, wika, at tradisyon ay maaaring mabago at mawala nang tuluyan.

Maging ang mga lupain o teritoryo ng ating bansa at mga likas na yaman na mayroon tayo ay maabuso at mawala rin.