Paglalarawan ng ibabaw o balat ng lupa?

Katanungan

paglalarawan ng ibabaw o balat ng lupa?

Sagot verified answer sagot

Ang paglalarawan ng ibabaw o balat ng lupa ay tinatawag na heograpiya. Ang heograpiya ay isang pag-aaral na pumapatungkol sa mga pisikal na katangian ng ating daigdig.

Ito ay hango sa Griyegong salita na “geo” na ang kahulugan ay daigdig at “graphia” na tumutukoy naman sa paglalarawan. Ang ekspertong nag-aaral patungkol sa konseptong ito ay tinatawag na Heograpo.

Ang heograpiya ay nahahati sa dalawang sangay, ito ay ang Pisikal na Heograpiya na kung saan natututunan ang katangian, lokasyon, klima ng daigdig at ang Pantaong Heograpiya naman na pumapaksa sa uri o klase ng pamumuhay ng mga indibidwal sa daigdig kasama ang pag-unawa sa kanilang mga tradisyon at kultura.