Paniniwala sa pagkakaiba iba ng lahi, at ang katangian at pisikal na anyo ay nababatay sa lahi ng isang tao

Katanungan Sagot

Katanungan

Help meee ano po ba ito: paniniwala sa pagkakaiba iba ng lahi, at ang katangian at pisikal na anyo ay nababatay sa lahi ng isang tao.

Sagot verified answer sagot

Paniniwala sa pagkakaiba iba ng lahi, at ang katangian at pisikal na anyo ay nababatay sa lahi ng isang taoIto ay tinatawag na racism o rasismo sa Filipino. Ito ay ang pagkakaroon ng paniniwala na nagkakaroon ng pakakaiba-iba ang bawat lahi mula sa kanilang katangian, pisikal na anyo, at iba pang salik na nagpapakita ng pagkakaiba-iba. Racist ang tawag sa taong may ganitong pananaw.

Kung mayroong pagtanaw na rasismo ang isang tao, makikita ang hindi niya pantay na pagtingin sa karapatan ng isang taong sa tingin niya ay iba sa kaniyang nakamulatang kultura o sa simpleng pagkakaiba ng kulay ng balat o lahi.

Isang malaking suliranin para sa mundo ang rasismo na hanggang sa kasalukuyan ay umiiral pa rin sa iba’t ibang pagkakataon.