Pumili ng isang kultura o tradisyon ng lugar sa CALABARZON?

Katanungan Sagot

Katanungan

pumili ng isang kultura o tradisyon ng lugar sa calabarzon?

Sagot verified answer sagot

Ang aking napili ay ang Sublian Festival mula sa Batangas.

Ito ay isang tradisyon ng mga taga Batangas na iginugunita sa loob ng dalawang linggo upang magbigay pugay sa kanilang patron ng bayan na si Sto. Nino.

Ang Subli ay isang tradisyonal na sayaw sa Batangas na nagmula sa mga katutubo na ginagamitan ng tambol at awit habang nasa porma naman ito ng pinagsama-sama na isang tula na may musika.

Ang Sublian Festival ay hindi lamang para ipakita ang pananampalataya ng mga taga Batangas, ngunit isa rin itong pagsasayaw sa lansangan na may halong paglalaro. Kasabay ng Sublian Festival ay ang anibersaryo rin ng siyudad.