Sa iyong palagay, paano ka magiging kaakibat upang maitaguyod ang sektor ng agrikultura?

Katanungan Sagot

Katanungan

Sa iyong palagay, paano ka magiging kaakibat upang maitaguyod ang sektor ng agrikultura? Ipaliwanag.

Sagot verified answer sagot

Sa aking palagay ay bigyan ng mas mainam na impotansya ang mga trabahador sa sektor ng agrikultura, tulad ng mga magsasaka, bigyan sana sila ng mga health programs na pwede nilang gamitin sa kanilang pagtanda at sa pangkasalukuyan.

Araw-araw silang nagtatrabaho sa initan tapos maliit lang ang kanilang kinikitang pera, isang beses lang sila magkasakit ng malubha o di kaya isa sa kanilang miyembro ng pamilya ay tiyak na lubog na kaagad sila sa utang.

Napaka importante ng mga tao sa sektor ng agrikultura dahil sila ang nagpapakain sa ating lahat. Napakaraming mga plano para mas pagandahin ang takbo ng sektor ng agrikultura pero walang nagbibigay ng oras at pondo para sa mga mismong tao na nagpapatakbo nito.

Sila Mang Juan na magsasaka, ang mga tao na nasa ibaba ng korporasyon na nagpapatakbo ng sektor na ito, ang mga tao na nakabilad sa araw at uuwi sa bahay na gawa sa nipa, walang pumapansin sakanila. Ang kalakaran na ito, sa tingin ko ay mali.

Kailangan maintindihan ng mga tao sa taas ng gobyerno ang importansya ng mga karaniwang mamamayan sa sektor ng agrikultura. Sila ang may kailangan ng tulong. Bago sana tayo magplano ng mga makukulay na programa at magpasikat sa media, ay bigyan muna natin ng pansin ang kalagayan ng ating mga naghihirap na kapwa Pilipino.

Paraan Para Maitaguyod Ang Mga Tao Sa Sektor Ng Agrikultura

Mas magandang benepisyong pangkalusugan galing sa gobyerno. Hindi lang para kay mang Juan na magsasaka, pati din sa kanyang pamilya, dahil karaniwang nangyayari na ipinapamana ng mga magsasaka ang kanilang kaalaman sa pagsasaka sa kanilang mga anak, ito ay tradisyon na nakabaon na sa ating kultura. Benepisyong pangkalusugan na pwede gamitin kahit sa pribadong mga ospital at lahat ng gastos ay libre. Kaya ng gobyerno magpondo ng bilyon sa pagpagawa ng airport, siguro naman kaya din nila mag bigay ng pondo para sa tao sa sektor ng agrikultura?


Tamang edukasyon sa pag-gamit ng mga pesticide. Mapanganip ang pag langhap ng hangin na may halong pesticide, maraming sakit ang nakukuha dito tulad ng kanser. Sana bigyan ng tama edukasyon kung paano ang mas mainam na pag gamit nito at mga kagamitan upang hindi malanghap ang nakakalasong hangin nito.

Pagbibigay ng lupa sa mga tao. Kailangan ng mas mabisang programa sa pagbibigay ng lupa sa mga taong nagtatrabaho dito. Karamihan ng mga magsasaka ngayon, ang mga lupa na kanilang sinasaka ay pag-aari ng kanilang pamilya noong unang panahon. Ngunit dahil sa hirap ng buhay, ibinibenta nila ito sa mga mayayaman at ginagawa nalang silang trabahador sa lupa na pag-aari ng kanilang mga ninuno. Isipin mo iyon, araw-araw ka nagsasaka sa lupa ng iyong mga magulang. Tapos ang iyong bagong amo ay halos walang mantsa ang damit, pero mas maraming pera at benepisyo kesa sa iyo. Napaka sakit isipin na isa itong reyalidad sa buhay ng isang Pilipino.

Sana ay maintindihan natin na kapwa Pilipino natin itong kadalasang naiisang-tabi. Tao sila katulad natin. Galing sa kanilang mga palad ang nakahain na pagkain sa ating plato, hindi ba tama na sila muna ang ating unahin?