Katanungan
Saan inihambing ang isang pamayanan?
Sagot 
Inihambing ang pamayanan sa isang barkada o barkadahan. Ang isang pamayanan ay tulad ng isang barkadahan na mga taong magkakaiba man ng pinanggalingang lugar o paniniwala sa buhay, ay nagkasundo naman at nagturingan na bilang isang pamilya.
Ang isang barkadahan o samahan ng magkakaibigan ay laging gumagawa ng mga paraan at pagkilos upang mapangalagaan ang kanilang pagkakaibigan.
Katulad rin ito ng isang pamayanan na dapat kumilos para sa pag-unlad at pagkamit ng adhikain ng kanilang lugar kahit pa sila ay hindi magkakadugo o magkakamag-anak.
Ang isang barkada rin ay kinakikitaan ng pagkilos upang makabuo ng kultura ng kanilang samahan, na kahalintulad rin ng isang pamayanan.