Sila ang mga grupo ng mga misyonaryong kastila na itinalaga sa katagalugan upang palaganapin ang Kritiyanismo

Katanungan

Sino po itong mga grupo ng mga misyonaryong kastila na itinalaga sa katagalugan upang palaganapin ang Kritiyanismo?

Sagot verified answer sagot

Noong sinakop ng Espanya ang ating bansang Pilipinas, nagpadala rin sila ng mga misyonaryong Kastila upang ipalaganap ang kanilang relihiyon na Kristiyanismo.

Taong 1578 noong dumating ang mga Franciskanong misyonaryong Kastila na nagpunta sa iba’t-ibang lugar sa bansa tulad ng Maynila, Laguna, Quezon, at Bicol upang ipalaganap ang Kristiyanismo.

Ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa bansa ay hindi lamang upang maging Kristiyano ang mga Pilipino, ngunit naging paraan rin ito ng mga Espanyol na masiguro ang kanilang kapangyarihan sa Pilipinas.

Sa pamamagitan ng paggamit ng relihiyon ay maraming mga Pilipino ang naging bihag ng mga Espanyol at marami ring Pilipino ang mga naabuso.