Sino ang tumutol na bigyan ng pwesto si Andres Bonifacio sa pamahalaang rebolusyonaryo?

Katanungan

sino ang tumutol na bigyan ng pwesto si andres bonifacio sa pamahalaang rebolusyonaryo?

Sagot verified answer sagot

Si Daniel Tirona ang tumutol na bigyan ng pwesto si Andres Bonifacio sa Pamahalaang Rebolusyonaryo.

Sa pagdaraos ng Kumbensiyong Tejeros, idinaos ang isang pagpupulong ng dalawang paksyon ng samahan ng Katipunan, ang Magdiwang at Magdalo, sa paglalayong mapag-usapan ang mga gagawing hakbang subalit nauwi ang pulong sa pagtatatag ng Pamahalaang Rebolusyon.

Dahil sa pagkakatatag nito, hinirang na direktor ng interyor Andres Bonifacio na nariing kinondena ni Daniel Tirona sapagkat ang posisyon ay nararapat lamang daw sa isang indibidwal na mayroong pinag-aralan.

Dahil rito, naramdaman ni Bonifacio ang pambabastos ni Tirona kung kaya’t nagpasya siyang ipagsawalang-bisa ang nasabing talakayan at mananatili siyang supremo.