Katanungan
Sino po sumulat ng Doctrina Christiana?
Sagot
Sinasabing ang sumulat ng Doctrina Christiana ay walang iba kung hindi si Juan De Plasencia.
Siya ay isa sa mga kauna-unahang Franciskanong misyonaryo na ipinadala ng Espanya sa Pilipinas upang ipalaganap ang Kristiyanismo sa bansa.
Isinulat niya ang Doctrina Christiana na isa sa mga pinakamaagang librong naitala sa Pilipinas. Nilalaman ng Doctrina Christiana ang mga turo ng Kristiyanismo.
Ito ang ginamit ng mga Franciskanong misyonaryo upang mas mapadali at mapabilis ang kanilang pagtuturo at pagpapakalat sa relihiyon na Kristiyanismo. Taong 1953 nang maimprenta ang Doctrina Christiana.
Ito ay nakasulat gamit ang wikang Espanyol at wikang Tagalog. May kaunti rin itong nilalaman na nakasulat sa Baybayin at Latin.