Sultan sa Mindanao na magiting na nakipaglaban sa mga Espanyol?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

sultan sa mindanao na magiting na nakipaglaban sa mga espanyol?

Sagot verified answer sagot

Marmaing mga magigiting at matatapang na mga Pilipino noong sinaunang panahon na buong loob na lumaban mula sa mapang-abusong pananakop ng bansang Espanya sa Pilipinas.

Isa na rito ang sultan ng Mindanao noong panahon na iyon na kinikilala bilang si Sultan Kudarat. Sinasabing si Sultan Muhammad Dapituan Kudarat. Ang kanyang buong pangalan ay siyang naging pinakamakapangyarihang sultan sa buong bansa.

Siya ay nakaluklok na sa kanyang posisyon bago pa man manakop ang Espanya noong unang panahon.

Sinusunod niya at ng kanyang mga nasasakupan ang pananampalatayang Islam kaya naman bigo rin ang mga Espanyol na mapatumba ang sultan.

Lalo lamang lumakas ang kapangyarihan ni Sultan Kudarat at siya ay naging sultan ng buong Maguindanao.