Tinatawag din itong rebolusyong agrikultural

Katanungan Sagot

Katanungan

Tinatawag din itong rebolusyong agrikultural 🙂

Sagot verified answer sagot

Tinatawag din itong rebolusyong agrikulturalTinatawag ding rebolusyong agrikultural ang panahong neolitiko. Kilala rin bilang Neolithic Revolution, ang panahong ito ay ang panahon kung saan nagkaroon ng dramatikong pagbabago.

Sa panahong ito kasi ng kasaysayan, maliban sa paggawa ng mga pulidong kagamitang bato, natuto na rin ang mga tao na magtanim at magpatubo ng halaman.

Nakuha na rin nila ang pagtuklas sa matagumpay na sistema ng pagsasaka. Maliban dito, natuto na rin ang mga tao sa panahong neolitiko na mag-alaga ng hayop.

Unti-unti ay nagbago ang pamumuhay ng mga tao at natutuhan na nilang patubuin ang kanilang mga kakaining halaman at palakihin ang mga hayop na kanilang ihahain sa hapag.