Hindi malaman ni Delia ang ireregalo sa kaniyang asawang si Jim. Hindi rin niya alam kung anong mabibili niya sa kaniyang perang piso at walumpu’t pitong sentimos.
Kaya naman naisipan niyang ipagupit ang kaniyang napakagandang buhok. Maganda at alon-alon ang kaniyang buhok kaya naman kapag ipinagbili niya ito ay siguradong maraming tatangkilik.
Napaiyak si Delia sa ginawang pagputol sa kaniyang buhok ngunit napalitan naman ito ng ligaya nang matanggap na niya ang bente pesos na kabayaran.
Ngayon ay maaari na siyang makabali ng regalo para sa asawa. Bumili siya ng kadenang platino para sa paboritong relo ng asawa. Matagal na kasi niya itong inaasam.
Pagkauwi ni Delia, naroon na ang kaniyang asawa na nakaabang na rin upang ibigay ang kaniyang regalo. Gayunman, laking pagtataka ni Jim sa bagong hitsura ng asawa. Wala na ang mahabang buhok nito.
Magagandang suklay pa naman ang regalo niya sa asawa na matagal na ring hiling nito. Ipinagbili pa ni Jim ang kaniyang paboritong relo para mabili ang mga suklay.
Nagulat din si Delia nang malamang wala na ang relo ng asawa. Hindi na nila magagamit ang regalo nila para sa isa’t isa. Dito nila napagtanto na ang Pasko ay araw ng pagbibigayan, hindi lamang ng mga materyal na bagay kung hindi pagpapalitan ng pagmamahalan.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Aginaldo Ng Mga Mago. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!