Noong panahon na wala pang mga mananakop, isang Sultan ang namumuno sa isang kaharian. Siya ay si Sultan Barabas na masama ang ugali.
Malupit ito at matinding magparusa. Maramot din ito at gusto niya ay siya lang ang makikinabang sa maraming bagay.
Mayroon itong mayamang hardin at maraming pananim. Tanging siya at ang mga tagapitas lamang ang maaaring pumasok dito. Isang gabi, pinahuli niya ang isang mangingisda dahil sa labis na oras daw na ginugol nito sa pangingisda.
Walang ano-ano’y ipinakulong niya ito. Dumating naman ang asawa niyang kilala sa pagdadaing ng isda. Nakiusap ito sa Sultan ngunit ipinakulong din ito.
Masaya naman sana ang mag-asawa dahil magkasama na sila sa piitan. Ngunit naiwan ang anak nila sa kanilang bahay. Di nila batid na ginagabayan ito ng mga diwata.
Nagtungo ang anak nila at nakiusap sa Sultan. Ngunit matigas pa rin si Barabas. Ang ginawa ng bata ay kinuha ang korona ng Sultan na hinabol naman ni Barabas.
Nakarating sila sa kaniyang hardin at dahil sa pagod ay nanikip ang dibdib ng Sultan at binawian ng buhay. Sa hardin na rin inilibing ang Sultan. Nagkaroon sila ng bagong pinuno at binuksan sa lahat ang hardin.
May bagong bunga na tumubo sa isang puno. Ang bunga raw ay kasing pait at kasing asim ng ugali ni Barabas kaya tinawag itong Bayabas kalaunan.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Alamat Ng Bayabas. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!