Isang maulang gabi ay mayroong pinanonood ang isang guro tungkol sa isang batang may dyslexia o napagbabaligtad ang mga letra at iba pang impormasyon. Hindi mapigilan ng guro na maiyak sa kaniyang pinanonood.
Ang kuwento ay umiikot sa batang si Ishaan Nandkishore Awasthi na mayroong dyslexia. Dahil sa kaniyang kondisyon, hindi siya maunawaan ng kaniyang mga guro at magulang.
Madalas siyang makarinig ng masasakit na salita at panglalait dahil sa kaniyang kalagayan. Madalas na smabihan siya ng bobo at mahina ng kaniyang ama.
Dahil hirap na ang mga magulang sa pag-unawa sa anak, napagdesisyunan nitong ilagay sa isang dormitory ang anak. Walang magawa ang ina dahil sunod-sunuran lamang ito sa asawa. Gayunman, nagpatuloy si Ishaan sa pag-aaral.
Salamat sa pagdating ng bago niyang guro na si Ram Shankar Nikumbh Sir. Inunawa niya ang bata sa kabila ng kondisyon nito. Inilabas din ng guro ang natatagong kakayahan ng bata at itananghal na pinakamahusay na artist sa paaralan.
Dito nagbago ang pagtingin ng ibang guro at kaniyang magulang kay Ishaan. Nalaman nilang iba-iba ang kakayahan ng mga bata at lahat ng mga ito ay may husay anuman ang kalagayan nila.
Dahil sa napanood, napaisip ang guro kung katulad ba siya ni Ram sa pelikula. Nahiya siya dahil batid niyang iba siya sa guro, ngunit ngayon ay inspirasyon na niya ito upang maging maunawaing guro sa mga mag-aaral.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Mga Patak Ng Luha. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!