Isang Dipang Langit (Buod)

Isang Dipang Langit (Buod)Nag-umpisa ang tula sa salaysay ng isang lalaki na siya raw ay ikunulong nang walang sala. Nakulong siya dahil daw sa gusto ng kaniyang mga nakabangga at dahil wala siyang kapangyarihan.

Labis na pighati ang nararamdaman ng nagsasalaysay. Hindi niya raw kasi mapaglilingkuran ang bayan.

Ang kalupitan na nararamdaman niya ay hindi lang sa kaniya kung hindi pati na rin sa iba na itinuturing daw na parang hayop.

Ang bawat oras niya raw sa loob ng bilangguan ay napakatagal at patuloy ang kaniyang pagluluksa. Para na rin daw kabaong ang bilangguang iyon.

Isang Dipang Langit (Buod) tauhan gintong aralPinarurusahan din daw sila. Ibibilad sa araw at ibabalik sa dilim kapag gabi na. Maaari naman daw tumakas ngunit walang pahuhuli dahil kamatayan ang nakasunod.


Tanggap na nang nagsasalaysay na siya ay hindi na makalalabas sa kinlalagyan niyang impyerno ngayon. Pero kung minsan ay naiisip niyang walang susuko hangga’t siya ay nabubuhay.

Isang Dipang Langit (Buod) umpisa gitna wakas talasalitaanBatid ng nagsasalita na ang Diyos naman ay nariyan lamang. Bagaman at hindi natin ito nakikita, alam niyang narito lamang sa tabi ng mga inaapi ang biyaya Niya.

Hindi raw laging api ang mga inaapi. Darating din ang araw na ang bayan ay maghihiganti sa mga mapang-api. Bandang huli, sinabi ng nagsasalita na di na siya luluha bagkus ay hihintayin na lamang ang pagtatagumpay ng bayan.

Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Isang Dipang Langit. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!